___

“Hindi ka naman mahirap mahalin.”

Ngunit paano nga ba
Kung ang bilang ng agwat
ay tila hindi tama?

Kaya’t siya ay nagtimpi
at bumaling sa iba
Hanggang sa dulo’y nagsisi
At sinabing
“Hindi ko naman inakala…”

O binibini, ano ang iyong hindi inakala?
Tila ika’y nagulantang nang malamang
Ang pagtatangi ay hindi naayon
Sa panahong ang isa’y sa mundo naitadhana

Ang pag-ibig ay hindi nasusukat
ng ngalan o titolo
At lalo mong tandaan
Ang pag-ibig ay hindi nasusukat
ng pilak o numero

___

Advertisements

Paghahanda

___

Gayonpaman ang mangyari, ang mundo’y patuloy na iikot,
At ang langit ay mananatiling bughaw.

Kung ang aking puso man ay mapuno ng kirot,
At ang lalamunan ay magsumamo’t humiyaw,
Ang orasan ay magpapatuloy,
Ang ating mga dugo ay dadaloy.
Ilang araw mang humagulgol at lumuha sa poot,
Sa isang pangarap na naging masalimuot.

Humayo ka at bumangong taas noo,
Dahil may araw na hindi liliban sa pagsikat.
Mayroong bukas na itutulak ka palayo,
Sa panahong ang iyong lahat ay hindi naging sapat.

___

by Adrienne Luzanne

Para Sa’yo Iska

Kumakawalang mga luha,
na hindi makapaniwala sa
hindi makaturangang pagkawala.
Sa kanyang pag-iisa, sinong nakinig?
Sinong nakapansin?

. . . Mayroon ba?

Mga karapatan at pribilehiyong
dapat ipinaglaban,
Sinong nagturo?

. . . Mayroon ba?

Ang tanong ay bakit at paano.
Bakit hinayaan, paano ang naiwan?
Mga magulang na umasa,
sa wakas sana’y makaahon na.
Mga puso’y lumayag sa kay gandang simula,
kay bilis nawala.

Dinig ko ang hiyaw, ramdam ang sakit,
Itong sitwasyon, sa aki’y kay lapit.
Iska, ang iyong pangarap,?
Walang awang winarak,
Nawa’y hindi na sa iba pa’y matulad.

___

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,507 other followers

October 2017
S M T W T F S
« Aug    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031