___

“Hindi ka naman mahirap mahalin.”

Ngunit paano nga ba
Kung ang bilang ng agwat
ay tila hindi tama?

Kaya’t siya ay nagtimpi
at bumaling sa iba
Hanggang sa dulo’y nagsisi
At sinabing
“Hindi ko naman inakala…”

O binibini, ano ang iyong hindi inakala?
Tila ika’y nagulantang nang malamang
Ang pagtatangi ay hindi naayon
Sa panahong ang isa’y sa mundo naitadhana

Ang pag-ibig ay hindi nasusukat
ng ngalan o titolo
At lalo mong tandaan
Ang pag-ibig ay hindi nasusukat
ng pilak o numero

___

Ulilang Pangarap

Sa pagdaan ng oras,
araw,
at taon,
ang dapat mawala’y
lumago.

Ako’y sabik parin
sa sagot,
sa pagkakataon,
at pagsuyo.

Ngunit ayoko nang masaktan na muli
sa pag-tingin sa iyong yumi,
na matagal nang binawi.

Kung kaya’t ngayon
ay nagtitimpi,
nagtitiis,
kahit ang puso’y
may kirot na parang tinutupi.

Sa takipsilim
na hindi natatapos,
ako’y nagmamatyag,
ako’y nag-aantay,
ako’y nalulunod.
Nagbabakasakali
sa muling pagdampi
ng init na dala
ng iyong titig.

Kaya’t mag-isip,
alalahanin ang pangarap,
ang maging ulila’y
hindi katanggap-tanggap.
Habang ako’y tutuloy sa pagsulat
sa mga susunod na pahina,
At baka bukas ay ikaw at ako na
muli ang paksa.

__

Isinulat ni Adrienne Luzanne

 

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,507 other followers

August 2017
S M T W T F S
« Mar    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031